Vlogger Whamos Cruz, ipapa-lie detector test ni Raffy Tulfo



Nagdesisyon na si Raffy Tulfo na ipa-lie detector test na ang vlogger na si Kim 'Whamos' Cruz.


Nalaman ng Trending Bytes na itinanggi kasi ni Whamos ang mga akusasyon sa kanya ng dalawang babaeng TikToker na inireklamo siya sa programa ni Tulfo.



Isa na rito si Rose Ann Sabile na umano'y binalakan ng hindi maganda ni Whamos nang makasama niya ito para mag-collab.


Gayundin ang isa pang nagreklamo na si 'Honey' na pawang makikipag-collab lamang kay Whamos ngunit may kakaibang binalak umanong gawin ito sa kanya.




Agad namang hiningi ni Tulfo ang panig ng vlogger na pinabulaanan ang mga alegasyon at sinabing tila siya pa umano ang nagamit ng mga babae.


Sinabi niyang nang sumama kasi siya sa mga vlog ng mga ito lalo na ni Rose Ann, dumami ang subscribers nito na siya lamang daw ang pinanood.


"Wala pong katotohanan 'yon. Ganoon naman po talaga 'pag sikat ka, hahatakin ka pababa," pahayag ng kontrobersyal na vlogger ngayon matapos na isapubliko rin nito ang relasyon niya kay Antonette Gail Del Rosario.




Dahil dito, polygraph test o lie detector test na umano ang solusyon upang malamang sa mga ito kung sino sa kanila ang nagsasabi ng katotohanan.

Powered by Blogger.